Una sa Balita

Real Gold haharurutin ang 2nd Leg ng ‘Triple Crown’

0 310

NAKATUTOK ang mga connection ng kabayong Real Gold sa pagsilo ng 2019 PHILRACOM “2nd Leg ng Triple Crown Stakes Race” na pasisibatin sa darating na Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Sumalang sa barrier race si Real Gold na pag-aari ng C & H Enterprises nakaraan upang maging kundisyon pagsalang nito sa nasabing stakes race
“Maayos at maganda ang ipinapakitang performance ni Real Gold,” saad ni Butch Mamon isa sa may-ari ni Real Gold.  

Nakaharap ni Real Gold sa barrier si Phenomenal, si JP Guce pa rin ang rumenda.

Nakaungos nang bahagya si Phenomenal papasok ng huling kurba kaya naman napilitan si Guce na ikayog at paluin ng latigo si Real Gold upang manalo sa trangko.

“Mahirap pa rin talunin si Real Gold sa ipinakitang performance sa barrier kaya sa kanya pa rin ako lalagay sa 2nd Leg,” hayag ni Fernan Gomez, beteranong karerista.

Paniguradong outstanding­ favorite si Real Gold dahil hindi nominado sa 2nd Leg ang mahigpit nitong karibal na si Obra Maestra.

Nadungisan ang malinis na karta ni Obra Maestra nang manalo si Real Gold sa unang leg sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Makakatapat nina Real Gold at Phenomenal sa 1,800-meter race sina Best Regards, Boss Emmong, Jayz, Shanghai Noon at Toy For The BigBoy. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy