Una sa Balita

rdo ng bir tatlong beses biniktima ng kidnappers

0 399

Ang petmalu pala talaga ng sindikatong kumidnap ng matataas na opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na napuntusan na rin ng awtoridad kamakailan nang sabayang salakayin ang mga safehouse ng grupo sa Caloocan at sa Bulacan. Sa raid sa Bulacan ay may isang napatay at tatlo ang naaresto at pinagha­hanap na ang mga ka­sabwat ng kidnappers.

Labinglima nang opis­yal ng BIR ang piniga ng grupo sa ransom.

Pero maniniwala ba kayo mga pare at misis na ‘yung isa pala sa mga opisyal ng BIR na dinukot ng grupo ay ginawa nilang suki? Yes, hindi lang isa o dalawa kundi tatlong beses binalik-balikan ng kidnappers ang isa sa mga dinukot nilang revenue district officer o RDO na tuwing kikidnapin ay malaking halaga ang sinusuka.

Ayon sa aking bubwit sa Camp Crame, umaabot sa P60 mil­yon ang ibinayad ng RDO sa sindikato sa tatlong beses na pagdukot sa kanya. Hindi lang puro cold cash ang ibinayad ng BIR official kundi nagbayad pa ito ng in kind gaya ng diyamante at iba pang mamahaling alahas.

Ano bang meron sa matataas na opisyal ng BIR na isang grupo ng mga kriminal ang nakaisip ng ideya na bumuo ng kidnap gang na ang target lang ay mga RDO? Kasi mapera sila mga pare at misis, ganun lang kasimple.

Ang mas malaking tanong eh bakit sila ganun kayaman or kapera? Gaya nitong isang RDO na gina­wang suki ng kidnappers na tuwing dudukutin eh nagbabayad nang malaki.

Ngayong may naaresto na sa suspects at pinaghahanap ang iba pa nilang kasamahan, susunod kaya ang mga biktimang RDO sa apela ni Police Maj. Gen. Guillermo Eleazar na lumantad sila at tumestigo? Mukang bomalabs mga pare at misis.

Ang BIR official na ginawang suki at tatlong beses binalik-balikan ng kidnappers at sumuka ng may P60 milyon sa suspects ay babaeng RDO sa Southern Manila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy