Una sa Balita

RCBC kakasuhan ng Bangladesh central bank

By
0 841

Nakatakdang maghain ng demanda sa New York ang central bank ng Bangladesh laban sa isang bangko sa Pilipinas kaugnay ng tinagurian­g ‘world’s largest cyber heist’.

Kaugnay ito ng insidente noong Pebrero 2016 kung saan ninakaw ng hindi pa nakilalang hacker­s ang $81 milyon account ng Bangladesh central bank sa US Federal Reserve sa New York.

Ang ninakaw na pera ay inilipat naman sa isang branch ng Rizal Commercial Banking Corporation (RCBC) at agarang ini-withdraw at ipinasok sa casino sa Pilipinas.

“It will be (filed) in New York. Fed may be a party,” ayon sa Finance Minister A.M.A. Muhith.

Nagbanta naman ang RCBC na magsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng Bangladesh Bank (BB) dahil sa paninira nila na may kinalaman umano ang bangko sa cyber heist dalawang­ taon na ang nakaraan.

“We will not allow them to continue to malign RCBC,” banta ng bangko sa kanilang statement kahapon. (AFP)