Una sa Balita

RCB Basilan cockfest sa Pasay patok ngayon

0 241

SUSUBOK ang mga bigtime gamefowl breeder ng Mindanao kontra Metro Manila cockers sa RCB Basilan 5-Cock Derby sa Pasay City Cockpit ngayon, Biyernes, Marso 13 tampok ang 100 sultada.

Pasabong ni host Ronald Barandino ng Basilan, una ito sa tatlong Big Event derbies ng PCC ngayong buwan hatid ng Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000.

Si Engr. Andy Rizal ng National Cockers Alliance (NCA) ang host ng Danayah Shane 5-Cock Derby sa Marso 20 kasunod ang isa pang 5-cocker sa Marso 27 (PCC pit manager Gerald Go at Team Rox Las Piñas).

Samantala, dalawang entry lamang – Alloy Wingband ni Jimmy Gosiaco at LBCup 9-Stag ni Luzon Gamecock Breeders Association president Nick Crisostomo – ang may tatlong panalo sa LGBA 7-Bullstag Derby elims noong Marso 9.

May dalawang panalo: Joseph Chua, Mayor Rommel Romano, Jimmy Junsay, Markus HGM entry, Jose Sevilla at Jay Gonzales (dalawang entries).

Ikalawang leg ito ng LGBA Cocker of the Year series at bitaw ang isa pang elims sa Lunes, Marso 16 (40 entry).

Tawagan lamang ang 0945-4917474 (Erica); 0939-4724206 (Ace) o 8843-1746 at 8816-6750. (Enjel Manato)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More