Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Razon, Perps dominante

0 127

NAGING dominante sa buong laro ang University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Altas matapos tambakan ang Jose Rizal University (JRU) Heavy Bombers, 77-56, sa NCAA Season 97 first game nitong Martes sa La Salle Green Hills.

Si Jielo Razon ang nangibabaw para sa Altas matapos magkamada ng 13 points, 6 assists at 5 rebounds para kunin ang buwenas na panalo sa unang salang nila ngayong season.

Kasama niya sa ratsada si Kim Aurin na nagpamalas ng game-high 20 markers, 4 boards at 3 dimes at 1 steal habang 14 puntos pa mula kay Jeff Egan.

“Masaya kasi 2 years hinintay sabay unang game namin panalo agad kaya sobrang saya namin,” pahayag ni Razon na hinirang bilang Best Player of the Game.

Nasayang naman ang 17 puntos ni John Delos Santos dahil kinapos ang JRU. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.