Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rayver, Julie inurot pakasal sa 2024

0 345

Parang sure na sure na agad ang mga fan na sa 2024 ay pakakasal, magkaka-baby na sina Rayver Cruz, Julie Ann San Jose.

Kaloka nga, na hindi pa man umaamin sa relasyon ang dalawa, kung ano-ano na agad ang mensahe ng mga fan nila.

Minamadali, hinihili na talaga ng mga fan ang JulieVer na sumabak na sa bagong chapter sa buhay nila.

Anyway, dahil ‘Father’s Day’ nga ngayong Linggo (June 19), aba, panay na rin ang bati ng mga fan kay Rayver ng ‘Happy Father’s Day’ ha, eh, alam naman nating wala pang anak ang binata.

“Happy dad’s day!” ang tweet ni Rayver.

Na ni-retweet, at nireplayan nga ng mga fan nila ni Julie na…

“Happy Father’s Day Dadi Ray. After 2 years magiging daddy ka na po. Yieeee can’t wait.”

“Excited na kaming i-greet ka ng ‘happy father’s day’.”

“After 2 years, daddy ka na talaga, sure `yan.”

Sa Twitter account naman ni Julie Anne, makikita rin ang pagbati niya ng ‘Happy Father’s Day’!

Well, magpabuyo, magpadala, kaya sina Julie, Rayver sa chika ng mga fan nila? Abangan sa 2024, ha! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.