Una sa Balita

Rayver ayaw pag-usapan ng mag-amang Monching, Janine

By
0 4,262

Sa birthday dinner ni Tito Eddie Gutierrez ay nakatsikahan ko ang second son niya na si Monching. Napag-usapan namin ni Monching ang anak niyang si Janine Gutierrez.

Nagkomento ako kay Monching kung paanong nakikita ko ang sobrang pagke-care ni Janine sa mga kapatid.

“Oo, sobrang mapagmahal si Janine. Actually, kapag may mga kailangan nga sila like laptop o kaya cellphone, si Janine na mismo ang nagbibigay sa mga kapatid niya.”

Hindi ko na inusisa si Monching tungkol sa lovelife ni Janine at sa rumored-boyfriend nito na si Rayver Cruz dahil pagdating naman sa aspetong ‘yon ay matipid sumagot ang anak ni Tito Eddie.

Actually, palagi niyang sinasabi na hindi siya nagtatanong kay Janine kung boyfriend na nga ba nito si Rayver.