Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rayver 3 buwan walang trabaho dahil sa virus

0 14

Inamin ni Rayver Cruz na nagka-COVID-19 siya. ‘Yun daw ang dahilan kung bakit tatlong buwan siyang hindi napanood sa Sunday show ng GMA-7 na All Out Sundays.

Hindi alam ni Rayver kung saan siya nahawa ng virus. Nakaramdam na lang daw siya ng sakit sa katawan.

“Nagkasakit kasi ako. Alam mo naman ‘yung virus na kung tawagin ay si COVID-19, nakuha ko rin. Noong time na ‘yon, nakakalungkot, na-down din ako.

“At first, akala ko napagod lang ako that day sa mga ginawa, sa pag-workout, sa trabaho. Akala ko sunod-sunod lang ‘yung pagod. ‘Yung likod ko unang sumakit, ‘yung lower back ko hanggang pataas then sunod-sunod na. Naramdaman ko na ‘yung symptoms.”


Dinala raw niya ang sarili sa ospital. Wala kasing kasama si Rayver sa bahay niya.


“Medyo natakot din ako and mahirap kasi ako lang mag-isa. Tricky kasi ang COVID-19. ‘Pag biglang nag-drop ‘yung oxygen mo or kung ano man mangyari, walang magsusugod sa ‘kin agad-agad.”


Dahil survivor siya ng virus, nakikiusap ang aktor na maging maingat ang lahat at magpabakuna para may panglaban sa COVID-19.


Tulad ni Rayver, survivor rin ng virus sina Ken Chan, Glaiza de Castro, Rhian Ramos, Iza Calzado, Michael V., Kakai Bautista, Sunshine Cruz at marami pang iba. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.