Una sa Balita

Raymundo, Abanes aangas para sa Mindoro, GenSan

0 232

Mga laro ngayon: (Marikina Sports Center)
4:15 p.m. – Mindoro vs Caloocan
6:45 p.m. – Nueva Ecija vs GenSan
8:45 p.m. – Rizal vs Marikina

HUHUGOT ng lakas kina Richard Abanes at ex-pro John Raymundo para sa magkahiwalay na panalo ang Mindoro Tamaraws at GenSan Warriors mamaya sa 3rd Chooks-to-Go MPBL Lakan Cup 2019-2020 eliminations sa Marikina City Sports Center.

Tiyak na paghuhugutan ng lakas si Abanes ng Tams tapos gumawa ng 22 markers, 6 ­rebounds at 3 assists upang isalba ang hukbo niya kontra Rizal nitong Disyembre 19, 74-73, na nagbigay sa kanila ng ika-12 puwesto sa Group B sa 9-17 win-loss slate.

Alas-4:15 nang hapon ang pagpapang-abot ng Mindoro at nasa dalawang sunod na tilapon na Caloocan, kasalo sa ika-pitong ­puwesto ng Pasig Sta. Lucia Realtors sa Group A sa 14-11.

Sasandigan naman ng Group B third-running Warriors (16-8) si Raymundo na nagpasiklab ng 23 points, 5 caroms at 3 dimes nang palupasayin ang Pasay Voyagers nitong Enero 8, 78-69, para sa alas-6:45 nang gabing pakikipagbuno sa nasa Group A 13th spot, galing sa olats na Nueva Ecija Rice Vanguards (7-17).

Nasa main game naman ng triple-header, ang mga nasa ilalim ng Group A North Division Rizal Golden Coolers (4-19) at Marikina Shoemasters (4-19) na toka sa alas-8:45 nang gabi. (Aivan De Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More