Una sa Balita

Raymond sobrang lungkot sa US ngayon

0 977

abante-anything-goes-jun-lalinMy gosh, Dondon ilang araw rin akong hindi nakapag-deadline dahil nagkasakit ako sa stressful na biyahe pa-Los Angeles, California via Shanghai, China sakay ng China Eastern Airlines (my first).

Delayed ang Manila-Shanghai flight at hindi na kami umabot sa connecting flight pa-L.A. at kinaila­ngang mag-stay overnight sa Shanghai bitbit lahat ng luggage, huh!

So, instead na abutan ko ang training ni Senator Manny Pacquiao sa isang gym doon, Sunday na ako nakarating ng L.A. at no training that day.

May last training doon ng Monday bago sila tumulak pa-Las Vegas, Nevada, pero ang tindi ng fever ko dahil nga sa stressful na flights, so, hindi na ako nakapunta sa training ng ating Pambansang Kamao.

Nang medyo ok na ako, sumama na lang ako kay Raymond Gutierrez nung mag-bo­xing­­ siya sa may bandang Melrose Place.

In fairness, ang sipag-sipag pa ring mag-training ni Raymond dahil after ng boxing na ‘yon, nag-kill time lang kami sa Urth Caffé at pumunta naman siya sa Barry’s Boot Camp para ipagpatuloy niya ang kanyang fitness training.

Madalas ngang sabihin ng kanyang mga kapa­tid na hanga sila sa determination ni Raymond pagdating sa fitness training.

Sina Richard Gutierrez, Sarah Lahbati, at Ruffa Gutierrez nga ay panay rin ang fitness training na sa isang gym sa BGC (Bonifacio Global City) and they watch what they eat na rin to stay fit and healthy!

Si Richard, pinaghahandaan din kasi ang pagsisimula ng action/drama series nila ni Bea Alonzo, kaya naman very serious din sa kanyang fitness training na sinasabayan naman ng lovey-dovey niyang si Sarah, kaya naman mas ganado sila!

Anyway, going back to Raymond, tinanong ko siya kung adjusted na ba siya sa pagtira niya uli sa Beverly Hills, California at YES ang sagot niya.

Noong Sunday nga na naka-brunch namin si Tita Mary Ann Opeña (family friend nila), narinig ko na ikinukuwento niya na natuto na siyang maglinis ng condo, to do his own laundry and wash the dishes.

Ang medyo sad nga lang daw ay miss na niya ang pet dog niya na si Presley na isang blue black Afghan Hound.

Everyday nga kung i-check ni Raymond si Presley na parang anak ang turing niya.

Iniisip nga niyang dalhin na rin dito sa Amerika si Presley, huh!
Anyway, napag-usapan din namin ni Raymond ‘yung pag-attend niya sa Golden Globe Awards at naikuwento niya na sa after party na ginanap sa isang hotel ay sobrang daming A-list Hollywood stars ang dumating.

Pitong after parties daw kasi at the same time ang ginanap sa hotel na ‘yon, kaya kapag nasa lobby ka raw, almost all the stars na nandoroon ay makikita mo.

Luckily, Raymond was invited sa dalawang after parties ng Golden Globe Awards.

This February nga, may isang big Hollywood event na invited na naman si Raymond, kaya excited siya at baka nga raw hindi muna makauwi ng Philippines.

This weekend nga pala ay nasa Manny Pacquiao-Adrien Broner bo­xing fight si Raymond sa MGM Grand Garden Arena at mag-stay na siya roon hanggang sa birthday niya on Monday.

Kung si Raymond ay sa Las Vegas magse-celebrate ng birthday, si Richard naman ay may intimate celebration with family and friends sa isang Spanish restaurant/bar sa Philippines.

“Maybe we can have a post birthday celebration in Manila pagbalik ko ng late February,” sey pa ni Raymond.

Karla pabulosa kina Ruffa, Donita, Sunshine

Ka-chat ko naman si Ruffa. Ang tungkol sa pagba-bon­ding nila ng friends niyang sina Karla Estrada, Sunshine Cruz at Donita Rose noong weekend sa isang exclusive for members only restaurant sa BGC ang topic namin.

So nice raw na magkaka-bonding na naman sila. Since the 90’s ay friends na sila at pare-pareho silang naging members ng “That’s Entertainment.”

Kapag pare-pareho raw silang may free time ay lumalabas pa rin silang apat and the last time nga ay kasama pa nila si Jackie Forster.

Ang saya raw ng bonding nilang ‘yon na nag-start ng 7:00 PM at nag-end ng almost midnight na.

Napakarami raw nilang napagkuwentuhan from the past and the latest din tungkol sa isa’t isa.

Si Karla raw ang nag-treat sa kanila dahil member ito sa lugar na ‘yon.

“We were ready to split the bill but she (Karla) refused, treat daw niya,” kuwento pa ni Ruffa.

Ariella bawal nang magwalwal

More than a month na ring nagko-co-host si Ariella Arida sa “Umagang Kay Ganda” ng ABS-CBN, so at least, balik siya sa ganoong trabaho na na-miss niya dahil almost two years din siyang naging co-host ni Willie Revillame noon sa “Wowowin” ng GMA 7.

Ang kaibahan nga lang, live ang UKG at maaga siyang gumigising para roon. Hindi na nga puwedeng matulog nang late si Ariella, pero ok lang daw dahil gusto niya ang ginagawa sa UKG.

Ngayon nga kapag ka-text ko si Ariella, madalas ang ope­ning line niya ay, “Umagang Kay Ganda, Madame Jun!”

Kabiruan ko kasi si Ariella, kaya “Madame” ang tawag niya sa akin, kasi noong una ay panay “Sir” kaya biniro ko siya na “Madame” na lang at pinanindigan niya ang biruan na ‘yon, huh!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy