Una sa Balita

Raymond, Richard kaabang-abang ang harapan sa ABS-CBN

By
0 561

Punong-puno ng excitement si Raymond Gutierrez na ibahagi ang kanyang magi­ging sariling proyekto sa ilalim ng ABS-CBN 2 sa panayam sa kanya 32nd PMPC Star Awards.

Ayon kay Raymond, lifestyle show ang kanyang pamumunuan­ na ilo-launch sa darating na Nobyembre. Aabangan bilang guest sa kanyang show ang ilan sa mga malalapit sa puso niya lalo na ang kanyang kapatid na si Richard Gutierrez at ang asawa nitong si Sarah Lahbati.

Kasama rin sa dapat abangan ay ang kanyang mga kaibigan na sina Anne Curtis, Vice Ganda at Moira Dela Torre.

Kabilang si Raymond sa mga nag-host sa Star Awards, kasama sina Yassi Pressman, Julia Barretto, Robi Domingo at Jodi Sta. Maria.

McCoy, Elisse hindi na naman nag-uusap

Nagkakalabuan na ba tala­ga sina McCoy de Leon at Elisse Joson? Marami ang nakakapansin na hindi na naman sila madalas na nagkakasama.

“Ngayon po, hindi na kami masyado nagkakausap na muna,” sabi ni Mccoy sa panayam sa kanya sa katatapos lang na 32nd PMPC Star Awards for TV. Ayon pa kay McCoy, ang huling pag-uusap nila ni Elisse ay noong ABS-CBN Ball 2018 pa.

Pero hindi raw dapat malungkot ang mga fan, dahil may dapat nga silang abangan sa tandem na ito. Ginagawa nga nila ang pelikulang “Kung Sakaling Maging Tayo” sa direksyon ni Jason Aba.

Siyanga pala, naiuwi ni McCoy ang award na Glupa Glowing Guy of the Night sa Star Awards.