Una sa Balita

Raymond napagkamalang si Richard sa meeting kay Vice

By
0 1,364

Mali ang akala ng iba na naka-attend si Richard Gutierrez sa story conference ng Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya. Nasa Europe pa si Ri­chard kasama sina Sarah Lahbati, Zion at Baby Kai.

Si Raymond Gutierrez ang representative ni Ri­chard sa story conference ng nasabing pelikula. Ang ibang mga nakakita kay Raymond sa Star Cinema office ay inakalang si Richard siya.

Pagdating sa creative aspect ng career ni Richard, si Raymond ang isa sa mga consultant niya kaya naman nasa story conference ng nasabing pelikula ang twin-brother ng aktor.

May isang international hosting nga pala na gagawin si Raymond by November, pero bawal pa raw sabihin. ()