Una sa Balita

Raymond may bonggang project sa LA

0 571

Ang sweet ng magkapatid na Ruffa at Raymond Gutierrez dahil habang sinusulat ko ito ay nagpaplano sila na mag-dinner date kagabi.

Mga 5:45PM kasi ang dating kahapon ni Raymond mula sa Singapore kung saan ay naging red carpet host siya ng E! cable channel para sa Asian Academy Creative Awards 2019.

Sabi ni Ruffa, niyayaya siyang mag-dinner ni Raymond dahil aalis na naman bukas ang kapatid pa-Los Angeles, California.

Actually, may “secret project” si Raymond sa L.A. na hindi pa puwedeng sabihin kung ano, pero before Christmas naman ay babalik na siya ulit ng bansa to be with his family sa Christmas eve na tradition na nga nila at palaging ginagawa sa kanilang White Plains house.

“Bonding with Raymond tonight,” sey ni Ruffa.

Dimples, Tirso, Drew bigo sa Asian Academy Creative Awards

Going back to the Asian Academy Creative Awards 2019 red carpet na hin-host ni Raymond noong Friday kung saan kasama niya ang usual co-host niya na si Yvette King, natuwa siya dahil maraming Pinoy celebrities na um-attend doon.

Nang tanungin ko kung na-interview niya si Nadine Lustre na um-attend doon, heto ang sagot ni Raymond, “Yes, Nadine plus Dimples Romana, Tirso Cruz III and Drew Arellano, they were all nominated.”

Sabi pa ni Raymond, “They were happy to see me on the red carpet. Nabawasan daw kaba nina Dimples and Nadine nang makita na ako ‘yung nagho-host sa red carpet.”

Siyempre, na-happy si Raymond na nakita sila sa event na ‘yon. Sad nga lang daw na hindi nanalo ang stars natin na nagpunta roon. Pero kaka-proud daw na nominated sila.

Madalas pa nga rin pala na nagho-host si Raymond ng mga red carpet coverage ng E! na widely watched cable channel around Asia (and the world, sa E! channel nila from Universal Studios sa Hollywood).

Richard, Sarah sa US magpa-Pasko, Bagong Taon

Kung nasa L.A. si Raymond at babalik before Christmas, si Richard Gutierrez naman ay aalis on Christmas day kasama ang soon-to-be wife na si Sarah Lahbati at ang panganay nila na si Zion.

Si Kai ay maiiwan sa mga lola na sina Annabelle Rama at Esther Lahbati.

Biglaan daw ang plano nina Richard at Sarah na mag-US.

Dapat ay sa Bali, Indonesia sila magnu-New Year, pero nahihirapan daw silang mag-book, kaya sa L.A. na lang muna ang punta nila.

Next year daw ay puwede na na makasama sa kanila si Kai dahil mas nakakapaglakad na ito at mas mae-enjoy na ang bakasyon nila abroad.

Anyway, nakaka-happy nga pala, Dondon, na kahit second weekend na ng “Unbreakable” movie ni Richard with Bea Alonzo and Angelica Panganiban ay marami pa rin ang nanonood.

Actually, kahapon, ang mga fan ni Richard ay may pa-block screening sa SM Megamall at pinuntahan nga ‘yon ng aktor.

Ang saya lang na sinusuportahan talaga ng mga fan ang “Unbreakable”, huh!

Showing na nga rin pala ang “Unbreakable” worldwide, kaya naman lalo pang lumaki ang box-office gross nito.

Feeling ko, aabutin ito ng hanggang December 24 sa mga sinehan, kaya ‘yung mga balikbayan na padating pa lang ng bansa ay mapapanood ito.

May ilang friends nga ako na based abroad na manonood daw ng “Unbreakable” pagdating nila ng Philippines.

Next year nga pala ay tututukan naman ni Richard ang taping ng teleserye nila ni Bea na magpu-full blast na.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy