Una sa Balita

Raymond, Lorin, Venice mangha sa ‘EB’ studio

0 901
 
abante-anything-goes-jun-lalin

Alam mo, Dondon, first time ko nakapunta kahapon sa new studio ng Eat Bulaga sa APT Studios sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.

 

Ang ganda na nga ng studio ng longest running noontime show in the history of Phili­ppines television!
Sina Raymond, Lorin at Venice Gutierrez nga na kasama ko roon kahapon, bumilib sa ganda ng studio ng Eat Bulaga.

 

Kahapon nga pala, ang tatlo ang naglaro sa Boom! game segment ng show at “nasa­bugan” si Venice na siyang unang sumalang dahil hindi niya alam na isa-isa ang pagputol ng “bomb” wire.

 

Akala pala niya, kailangang maputol niya ang lahat ng tamang sagot in 15 seconds, kaya ayon, na-powder-an siya, huh!

 

Si Raymond naman na siyang pangalawang sumalang ay nagkamali rin ng pili sa mga mag-sweetheart na bading at tomboy, kaya may pa-powder din ang Eat Bulaga sa kanya.

 

Pero natuwa si Raymond dahil ‘yung isang bading, nag-propose ng kasal sa tomboy na karelasyon nito at ang tomboy naman ay may revelation na buntis na pala siya, kaya ang saya-saya!

 

Nagsabi pa sila kay Bossing Vic Sotto na kukunin nila itong ninong sa kasal nila at nag-YES naman ang TV host/comedian.

 

Pero kung na-powder-an ang kanyang kapatid at uncle, si Lorin naman, tama lahat ng sagot, kaya lahat ng “bomb” wire na pinutol niya ay success at walang sumabog na powder sa kanya at sobrang happy siya, huh!
Si Ruffa Gutierrez naman, talagang tumatawag na katatapos pa lang ng game segment na sinali­han ng kanyang mga anak at kapatid.

 

Biniro ni Ruffa si Lorin na kailangang may balato siya sa P90,000 na prize, pero ang totoo, sa charity naman napunta ‘yon.

 

Anyway, may nagtanong sa akin sa APT Studios kung mag-aartista na rin ba ang mga anak ni Ruffa, pero ang palaging sinasabi ng mga ito ay kailangan muna nilang magtapos ng pag-aaral, pero in the future, kung may opportunity man na dumating ay puwede nilang i-consider ‘yon.
 
Naikuwento nga pala ni Lorin na sa summer break nila ay balak niyang kumuha ng special short-course sa isang university sa San Francisco, California.

 

Si Venice naman daw ay ipapasok ng kanyang nanay sa isang boot camp.
In fairness, malaki na rin naman ang ipinayat ni Venice!

 

 
 

Gretchen dedma sa ex GMA show reunion

 
 
Sa presscon ng pelikulang Exit Point ni Ronnie Ricketts ay um-attend ang misis niyang si Mariz na siyang namamahala sa production at si Jackie Lou Blanco na gumaganap na jail warden sa pelikula.

 

Sabi ni Ronnie, siya ang pumili kay Jackie Lou para mapa­sali sa Exit Point dahil sa tingin niya ay effective ito sa role na ‘yon at wala raw kinalaman doon ang pagiging mag-best friend ng aktres at ng kanyang misis.
Noong una raw, dapat ay lalaki ang jail warden, pero naisipan daw ni Ronnie na mas maganda kung babae ang gaganap sa role na ‘yon.
 
Tsinika-tsika ko nga sina Jackie Lou at Mariz at siyempre, ang “reunion” ng GMA Supershow hosts ang inusisa ko sa kanila.
 
Kapwa nila nilinaw na lahat ay imbitado sa “reunion” na ‘yon.
 
Kahit daw si Gretchen Barretto ay kasali dahil nasa Viber group nila ito.
 
Wala raw kinalaman sa issue noon kina Gretchen at Dawn Zulueta kaya hindi um-attend ang una sa “reunion” nilang ‘yon. Hindi lang daw puwede si Gretchen dahil biglaan talaga ‘yon.

 

Sa next daw na magkikita sila, paplanuhin na nilang mabuti at in advance, para lahat ay maka-attend.
Si Sharon Cuneta nga raw ay hindi kasali noong una sa Viber group nila dahil hindi nila alam ang number, pero ina­lam daw nila kay Maricel Laxa na sister-in-law nito, kaya naisama na ang Megastar sa Viber group na ‘yon.

 

So, sa mga nang-iintriga, tigilan na, please lang!