Una sa Balita

Raymond excited sa pagkikita nila ni Beyonce

By
0 2,502

Kasabay kong nagbabakasyon ngayon sa Los Angeles, California si Raymond Gutierrez, although hindi sa condominium unit ng pamilya nila sa Beverly Hills nag-i-stay ang reality TV star/director (isa siya sa
cast ng family reality TV series nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez at director siya ng It Girls Besties nina Solenn Heussaff at Georgina Wilson na parehong napapanood sa E! international cable network).

May mga kaibigan din kasi si Raymond na kasabay niyang nagbabakasyon sa California at nag-rent sila ng bahay sa may Santa Monica beach area.

Noong Friday, dinaanan ako ni Raymond at nagpasama siya sa akin sa The Grove para kahit paano ay makapag-bonding kami.

Of course, piling-pili ang in-order ni Raymond, pero hindi niya naiwasang kumain ng sikat na cronut ng Dominique Ansel Bakery kung saan ay inabot kami ng more than 30 minutes sa pila bago nakapag-order, huh!

Na-curious kasi si Raymond kung bakit pinipilahan ang cronut na ‘yun, ‘noh?! Can afford naman si Raymond na kumain ng cronut dahil kahit nasa California siya ngayon, araw-araw pa rin siyang nagdyi-gym.

Bago nga ako sinundo ni Raymond ay nag-gym muna siya at ilang blocks din daw ang nilakad niya papunta ng gym at pabalik sa bahay na pinag-i-stay-an nila.

Ayaw tumaba uli ni Raymond at ayaw naman niyang i-deprive ang sarili na kumain ng mga usong pagkain ngayon sa L.A., kaya hindi puwedeng hindi siya mag-gym araw-araw. Mabuti na lang at free lang ang
pagdyi-gym niya courtesy of some friends na in-include siya sa kanilang gym memberships.

Anyway, habang nagkukuwentuhan kami ni Raymond sa outside sitting area ng nasabing ba­kery, nag-video chat silang dalawa ng kaibigan niyang stylist to the celebrities na si Liz Uy.

Nasa London, England pala si Liz at all-expense-paid ‘yon ng isang top fashion brand na nagpadala sa kanya roon.

Naikuwento ni Liz na nasa London din si Georgina kasama ang mister nito na si Arthur Burnand, pero hindi raw sila magkikita dahil galing ang mag-asawa sa countryside ng nasabing lugar at isang araw lang ang
mga ito sa city at babalik na ng Pilipinas.

Actually, pareho lang ang situation ni Raymond sa situation nina Liz at Georgina dahil kahit pareho rin niyang nasa Amerika ang kaibigang si Solenn Heussaff, malabo rin silang magkitang dalawa dahil nasa Palm
Beach, Florida naman ito kasama ang mister na si Nico Bolzico para sa Palm Beach Art and Antique Show kung saan naka-exhibit ang ilang painting ng Kapuso actress/TV host.

Magkalayo nga naman ang L.A. at Palm Beach, huh!

Noong Wednesday nga pala ay nagpunta rin si Raymond sa Palm Spring na noted for its many fine examples of midcentury-modern architecture.

Bale sa lugar din na ‘yon ginaganap ang Coachella Valley Music and Arts Festival na sa taon na ito ay si Beyoncé ang biggest celebrity na magpe-perform.

Kuwento sa akin ni Raymond, babalik lang siya sa Pilipinas dahil sa ilang commitments, pero sa April ay babalik uli ng US at a-attend nga siya sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2018 na magsisimula
sa April 13 at magtatapos ng April 22. Last year, nagpunta rin si Raymond sa nasabing music and arts festival na talaga namang dinarayo palagi simula noong 1999.

Habang magkasama nga pala kami ni Raymond, ilang lugar din sa Beverly Hills ang dinaanan namin na very memorable sa kanila ng twin-brother niyang si Richard dahil madalas nilang puntahan ang mga lugar na ‘yon
noong pareho pa silang based doon.

Ivan, Migo, Jason insecure kina Matthias, Vince, Dave

Dahil si Dennis Trillo ang pinakabidang aktor sa premiere series ng GMA 7 na The One That Got Away kung saan leading ladies niya sina Lovi Poe, Rhian Ramos at Max Collins, wala naman sigurong dahilan para
ma-insecure siya sa hunk actors na sina Matthias Rhoads, Vince Vandorpe at Dave Bornea na idinagdag sa cast ng show na ‘yon, ‘noh?!

Ang sinasabing baka ma-insecure at dapat kabahan sa tatlo ay sina Ivan Dorschner, Migo Adecer at Jason Abalos na parang kasing-level ng roles ng tatlong bagong dagdag sa cast ng The One That Got Away, huh!

Hindi kaya magpatalbugan sa pagpapakita ng abs sina Ivan, Migo at Jason kina Matthias, Vince at Dave sa The One That Got Away? Well…