Una sa Balita

Raymond dodobol sa mga sexy scene ni Richard

By
0 2,434

Sa story conference ng Fantastika, The Princesses, The Prince and The Perya, biniro ni Vice Ganda si Annabelle Rama kung puwedeng magpa-sexy si Richard Gutierrez.

Sinalo naman kaagad ni Raymond Gutierrez (na nandoroon bilang creative representative ni Richard) ang birong ‘yon ni Vice at sinabing siya na ang magba-body double sa kanyang twin brother.

Kung itse-check kasi ang Instagram (@mond) posting ni Raymond, talaga namang very proud na siya sa pagdi-display ng kanyang napakagandang katawan.

Sobrang tagumpay nga kasi si Raymond sa kanyang pagda-diet at pag-e-exercise dahil sobrang ganda ang kanyang katawan.

“To-die-for” kung i-describe ng marami niyang follower ang sobrang pagiging hunk ngayon ni Raymond.

Anyway, marami na ang excited sa pagsasama nina Richard at Vice sa nasabing Metro Manila Film Fetsival 2018 official entry ng Star Cinema at Viva Films!

Mga hater nina Kris, JoshLia sumugod sa sinehan

Ayon sa mga taga-Star Cinema, naka-P40M na ang I Love You, Hater nina Joshua Garcia at Julia Barretto as of Sunday, so meaning, noong Monday at kahapon ay mas kumita pa ito.

‘Katuwa naman, kasi noong nanood ako ng I Love You, Hater noong opening day (last screening), dahil fave ko nga ang JoshLia love team, less than 20 lang kami sa loob ng Robinsons Magnolia (last screening).

May mga nagsabi rin na mahina ang pelikula sa ibang mga sinehan na pinaglabasan nito noong first day, pero kung totoo nga na naka-P40M na ito noong Sunday, aba, tiyak na nagre-rejoice na ang mga fan nina Joshua at Julia, huh!

In fairness naman, maganda talaga ang pelikula.

Actually, ‘katuwa nga ang mga fan ng JoshLia love team dahil panay ang pa-block screening nila.

Oo nga pala, nakakaintriga na pati ang mga hater ng I Love You, Hater ay pinasa­lamatan ng mga taga-Star Cinema.

Dahil nga kaya sa mga hater ng movie na co-starring din si Kris Aquino at inilabas ang katotohanang mahina sila noong opening day ay bigla silang lumakas sa sumunod na mga araw?

Puwede!

Pag-quit ni Piolo sa showbiz naudlot

Sa tsikahan with the entertainment press sa Megapro Plus Karaoke system, hindi ikinaila ni Piolo Pascual na may pagkakataon talaga na ginusto niyang mag-quit na sa showbiz dahil sa sobrang pagod at burn out na rin.

Pero noon ‘yon, dahil ngayon naman, kahit na sobra-sobra ang trabaho niya at nakakapagod din talaga, hindi na rin daw niya iniisip na mag-quit sa showbiz.

Hindi pa.

Medyo matatagalan pa nga raw ang bagay na ‘yon.

Sa ngayon nga, sobrang thankful daw si Piolo dahil patuloy pa rin ang pagdating ng bles­sings sa kanyang buhay.

Pati nga ang pagiging endorser niya ng iba’t ibang mga produkto ay wala ring tigil.

“I’m so thankful,” sabi ni Piolo.

Sa ngayon, dahil magtatapos na ang primetime series niya sa ABS-CBN, dalawang pelikula naman daw ang gagawin ng tatay ni Iñigo Pascual.