Una sa Balita

Raymond bongga ang face to face kay Samuel Jackson

0 528

abante-anything-goes-jun-lalinNoong concert na prinodyus ni Bisaya kung saan nag-host si Raymond Gutierrez kasama sina Ruffa Gutierrez at Tim Yap ay hindi na natapos ng E! Asia TV host ang event dahil mag-eempake pa raw siya at maaga ang flight kinabukasan pa-Singapore.

Nag-cover ng red carpet premiere ng “Captain Marvel.” Sa nasabing event ay na-interview ni Raymond si Samuel L. Jackson, huh! At ang bongga noon, ha!

Oo nga pala, ang “MOND-days” show ni Raymond sa E! Asia ay biglang na-extend, kaya nag-taping din siya ng ilang episodes. Dapat ay six episodes lang ang show na ‘yon, pero nag-decide ang E! Asia na i-extend, kaya ang bongga!

“They decided to continue and shoot episodes here in Singapore,” sey sa akin ni Raymond.

Babalik nga pala uli ng Singapore si Raymond kung saan magsu-shoot sila ng news about the Oscars, kaya ‘yung pagpunta sana niya sa Niseko, Japan ay hindi na matutuloy.

Ruffa dadalo sa beauty pageant sa Japan

Sad naman si Ruffa na hindi na makakasama si Raymond sa Niseko, pero sila ng mga anak niyang sina Lorin at Venice ay tuloy na tuloy sa lugar na ‘yon.

“We’re leaving on Sunday. Special guest din ako sa Miss Niseko beauty pageant. Kasama namin si Tim (Yap),” sey ni Ruffa.

Marami rin daw ibang celebrities na pupunta ng Niseko, pero hindi nila kasabay like Georgina Wilson, Divine Lee at iba pa.

Excited si Ruffa sa pagpunta nila nina Lorin at Venice sa Niseko dahil makakapag-bonding na naman daw silang mag-iina. Type samantalahin ni Ruffa ang mga ganoong pagkakataon dahil nagdadalaga na nga sina Lorin at Venice, huh!

Solenn, Eddie, Dina biglang tsinugi sa serye

Alam mo, Dondon, may mga nagkomento na hindi nila nagustuhan ang ending ng “Cain at Abel” ng GMA 7 at karamihan daw kasi sa cast ay “nawala” na lang sa eksena.

Actually, sabi ko sa nagtanong sa akin, ang alam ko, nagkaroon nga ng revision sa script kaya ‘yung last taping day nila Monday last week ay biglang hindi na nga kasama sa taping ang ilan sa major cast like Eddie Gutierrez, Solenn Heussaff, Dina Bonnevie and others.

Kung anuman ang dahilan ng revision na ‘yon, wala na rin namang magagawa dahil tapos na nga ang nasabing primetime series na naka-survive naman ng one season kahit pa nga hindi sila umubra sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Pero ang maganda naman sa kanila, kahit na hindi mas­yadong nagtagal ang “Cain at Abel,” mukhang naging close naman ang mga artista roon.

Annabelle pasaway na ina

Noong Monday night nga, nagkaroon ng appreciation dinner ang cast, staff and crew ng “Cain and Abel” sa Tipsy Pig sa Timog Avenue, Quezon City.

Sayang at hindi ako nakapunta, pero si Tito Eddie, sinamahan ng misis niyang si Annabelle Rama.

Natuwa naman si Bisaya sa “Cain at Abel” dahil ‘yon ang pagbabalik-Kapuso network ng mister niya, kaya nang malaman nga niya noong Sunday na may appreciation dinner, u­­mor­der siya kaagad ng mga lechon-Cebu dahil ‘yon naman talaga ang pala­ging inaasahan sa kanya.

Pero alam n’yo ba na biruan ng kanyang mga kakilala na kaya gustong-gusto ni Bisaya na um-attend ng mga party at magpadala ng lechon-Cebu ay para may excuse siyang makakain no’n?

Actually, sina­sabihan talaga si Bisaya ng kanyang mga anak na tigilan ang pagkain ng lechon at pati na rin ng seafood dahil bawal talaga sa kanya ‘yon, pero matigas nga ang ulo ng Gutierrez mat­riarch, ‘noh?!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy