Una sa Balita

Raymond bibida sa People’s Choice Awards sa US

0 420

abante-anything-goes-jun-lalinThe other night na magkausap ang mag-inang Annabelle Rama at Raymond Gutierrez ay panay ang congratulate ng una sa huli. Panay rin ang good luck ni Bisaya kay Raymond.

Nasa Los Angeles, California kasi ngayon si Raymond para sa ilang events/shoots ng E! international cable network.

As you read this, nasa may Santa Monica beach sila kung saan ay sinisimulan na nila ang shoot para sa Road to E! People’s Choice Awards nila.

Kahapon nga, maaga pa lang ay nagpunta na si Raymond sa E! sa Universal Studios. Nagkaroon sila ng pre-production meeting para nga sa 30-minute special na ginagawa nila.

Mag-isa lang si Raymond na kumikilos doon at ni wala siyang alalay, pero wala namang problema sa kanya ‘yon dahil ganoon naman talaga ang uso sa Amerika. Wala rin naman siyang problema dahil sanay na sanay siya roon at laking Amerika naman siya.

“I just take Uber!” sabi niya dahil ayaw ­naman niyang mag-drive.

Excited si Raymond dahil on Sunday ­after ng red carpet work niya para sa People’s Choice Awards, makakapanood daw siya dahil may seat na reserved para sa kanya at sa co-host niyang si Yvette King na ipinadala rin sa Amerika ng E! mula sa Singapore.

Matagal nang nagkakasama sa Singapore sina Raymond at Yvette, kaya gamay na nilang magkatrabaho.

Bale magtatagal sa Amerika si Raymond at uuwi na siya bago mag-Christmas dahil limang events/shoots ang gagawin niya para sa E!

Siyempre, gusto ring umuwi ni Raymond for Christmas dahil excited siyang mapanood ang first time na pagsasama sa pelikula ng twin-brother niyang si Richard Gutierrez at ng kaibigan nilang si Vice Ganda sa pelikulang “Fantastica, The Princesses, The Princes and The Perya.”

 

Jessica gagawa ng pelikula kay Baby Go

Ang international singer at American Idol alumna naman na si Jessica Sanchez, magpapabalik-balik ng Pilipinas at Amerika dahil nga gusto na rin niyang magkaroon ng career dito.

Pumirma nga siya kamakailan ng management contract with Stages para mag-manage ng career niya sa ating bansa at sa Southeast Asia. So, ang Stages na lang daw ang kakausapin sa mga inquiry tungkol kay ­Jessica para hindi na magulo!

Bukas nga ay may show na siya sa Solaire with Martin Nievera at busy na rin sa promotions ng Christmas single na duet nila ni Christian Bautista, ang Another Silent Christmas Song.

Nang i-launch nga pala siya ng Stages ay marami ang nagulat nang makita roon ang movie producer na si Baby Go. Gagawa na rin ba ng pelikula si Jessica?

May offer daw si Baby, pero hindi pa sigurado ang tungkol doon lalo na at gusto nga ni Jessica na mas matuto pa sa pagsasalita ng Tagalog.

Bale kaya nandoroon daw si Baby ay dahil sa charity Christmas show on December 22 sa Davao na ipo-produce nito para kay Jessica.

‘Yung pelikula raw, sana nga ay matuloy dahil pinaplano na nila ‘yon.

 

Carla, Tom pakakasal na sa 2019

May mga humuhula pala na next year na magpapa­kasal ang mag-sweethearts na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Actually, noon pa naman napapabalitang may balak na raw magpakasal ang dalawa.

Ang iba, sinasabing baka after daw ng pagiging busy ngayon ni Carla sa “Pamilya Roces” ng GMA-7 ay ang tungkol sa pagpapakasal na nila ni Tom ang aasikasuhin niya.

Samantala, marami ang naaaliw sa role ni Carla sa “Pamilya Roces.” May pagka-comedy kasi ang series na ‘yon kaya nga after ng very serious na “Onanay,” time naman para maaliw kapag “Pamilya Roces” na ang pinanood!