Una sa Balita

Raymond Almazan hiniwa

0 365

SUMAILALIM sa knee surgery si Meralco Bolts center Raymond Almazan sa eksaktong araw na binigyan ito ng team ng three-year max extension.

Sinabi ni Meralco Bolts coach Norman Black na umaasa itong magiging matagumpay­ ang pag-oopera sa kaliwang tuhod ni Almazan habang ipinaalam nitong mananatiling buo ang kanyang komposisyon para sa pagpasok ng 2020 PBA Philippine Cup na magbubukas sa Marso 1.

“There is nothing happening with the team that I know of at this moment because we just went on our break,” sabi ni Black.

“Raymond (Almazan) has his knee surgery today, but there are no player movements.”

Matatandaan na nagtamo si Almazan ng lateral meniscus tear sa kaliwang tuhod sa unang yugto ng Game 3 ng PBA Gover­nors Cup Finals. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More