Una sa Balita

Ray Parks urong-sulong sa PBA Draft

By
0 725

Finally, tila natauhan na si Bobby Ray Parks, two-time UAAP MVP ng National University at maglaro na sa PBA.
May balitang magsusumite na ito ng application para makasama sa PBA Draft sa December 16.

Ngayon, kung matuloy ang kanyang balak na mag-pro, malamang hindi siya malalagay bilang first draft pick.
Bakit?

Malabo na niyang maalis sa trono si CJ Perez ng Lyceum.

Nang magsumite si Perez ng application for draft ilang linggo na ang nakararaan, kaagad na nagsalita si Bobby Rosales ng Columbian Dyip, may-ari ng No. 1 draft, na ang Lyceum stalwart ang kanilang huhugutin.

Ang Blackwater ang susunod na bubunot ng player na susundan ng NorthPort, Phoenix at Rain or Shine.

Base ang order ng draft kung pang-ilang nakatapos ang isang team sa Philippine Cup, Commissioner’s Cup at Governors Cup.
Gayunpaman, sakaling matuloy na nga si Parks, may posibilidad pa rin na magbago ang isip ng Columbian Dyip dahil sa credential na bitbit nito.

Nakapaglaro na si Parks ng anim na games sa Dallas Mave­ricks sa NBA
Summer League noong 2015.

Naka-32 games ito sa Texas Legends sa NBA D-League noong 2015-2016. Teammate pa nga ni Parks sa Le­gends si Allen Durham, import ng Meralco ngayong PBA Governors Cup.

Nang magbalik siya ng Pilipinas, naglaro siya sa Alab Pilipinas sa ABL at kasalukuyang player ng Mandaluyong team sa MPBL.

Sa kabila ng kanyang impresibong credentials, nakapagtatakang urong-sulong si Parks na magpa-draft sa PBA.
Tatlong draft na ang kanyang pinalampas.

Balitang huhugutin ng Blackwater sa draft si Robert Bollick ng San Beda, ang NorthPort ang Fil-am na si Abu Tratter at ang Phoenix baka si Jason Perkins at ang Rain or Shine si Javee Mocon ng San Beda o Vince Tolentino ng Ateneo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy