Una sa Balita

Ray Alexander: Idolo ng mga Big Time

0 186

Hindi lang mga Pinoy big time breeder ang nalungkot sa pagpanaw ng sikat na breeder sa buong mundo na si Ray Alexander.

Nakidalamhati rin ang mga sabungero dahil naging parte ng tagumpay nila ang mga pinasikat ni Alexander na mga bloodline sa manok.

Pumanaw si Alexander noong July 3, 2019 sa edad na 82.

Sapul nang magsimula ang World Slasher Cup ay sumusuporta na si Alexander, taga-Lincoln, Alabama, sumasali na ito sa event na kilalang “Olympics of Cockfighting”.

Maraming nagkampeon sa World Slasher Cup na gamit ang mga palahi ni Alexander kaya naman naging idolo siya at maraming tumangkilik sa bloodline ng kanyang mga warrior.

Nakilala si Alexander sa mga ­malulupit niyang linyada na ­Lacey Roundheads at Griffin Clarets, ­siyempre nandiyan din ang Sweater, mga nagkampeon sa prestihiyosong World Slasher Cup.

Naging breeder partner ni Alexander ang malapit nitong kaibigan at WSC champion na si Nene Araneta.

Sa kaagahan ng 1970s lumalahok na si Alexander sa WSC at solo champion noong May 1994 at nakasama si Araneta sa ­three-way tie noong January 1995.

“He was professional. I learned everything from him,” patungkol ni Alexander kay Araneta, sinabi niya ito sa isang interview noong nabubuhay pa siya. “It didn’t take me long to catch some of what you had to do. To most people it’s hard catching on because it ain’t nothing but common sense.”

Isang icon si Alexander, umani ng respeto sa cockfighting ­enthusiasts sa buong mundo gaya ng US, Mexico, Hawaii at mahal nitong Pilipinas na halos 50 years nang bumibisita sa bansa.

Dahil sa kanyang mga alaga at palahi, maraming top Filipino breeders ang nagkampeon at wala siyang masabi sa pagmamahal ng mga Pinoy sa sabong.

“The best cockfighters right now,” sani ni Alexander sa mga Pinoy sabungero.

Nakasama rin ng batikang breeder si Boy Diaz, nagkita sila sa kaagahan ng Dekada 70.

Naalala ni Diaz nang dumating sa Pilipinas si Alexander ay mag-isa lang ito at dala ang kanyang panlaban sakay ng taxi.

“First came to the Philippines by himself and with his roosters, which he had in a taxi,” hayag ni Diaz.

Kuwento ni Diaz ay sumali si ­Alexander sa mga derby dito sa Pilipinas, (Roligon) at dahil naging magkaibigan ay madalas silang magkape tuwing umaga.

Tumira rin si Diaz sa Atlanta, Georgia noong late ‘70s at early ’80s, at tatlong oras lang ang biyahe ng kanyang tinitirhan sa farm ni Alexander sa Birmingham, Alabama.

“I would go there and we would talk chickens, and bloodlines,” wika ni Diaz.

Isa pang cockfight aficionado na si Eddie Araneta, naalala nito na kumukuha siya ng mga panlaban kay Alexander noong 1987-1988.

“Many people bought from him and did pretty good with them; I did quite well with them,” sabi ni Eddie Araneta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy