Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ravena tutulong kay Marcial

0 61

PAGKADAING sa kakapusan ng monthly allowance sa social media kahit pro boxer na sa nagdaang linggo, isiniwalat ni Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial Linggo ang paglapit sa kanya ni Japan B.League player Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III upang maghandog ng tulong.

Ibinahagi sa Instagram post ng 2019 Philippine Southeast Asian Games gold medalist ang hangarin ni Ravena na naglalaro sa San-en NeoPhoenix.

“Boss kamusta. Sana okay ang training camp mo ngayon. Nakita ko ang post mo sa social media, gusto ko lang sana itanong kung pwede makatulong kahit na maliit na halaga lang sa mga pangangailangan niyo. Gusto ko kayo manalo ng team nyo,” post ni Marcial patungkol sa mensahe ng 24-year-old- 6-foot-3 swingman.

Ayon pa 25-year-old boxer, natanggap niya ang mensahe ilang araw na ang nakakalipas mula sa ‘one of the phenomenal athletes’ ng bansa.

Kasalukuyan ngayong nasa Zamboanga City si Marcial kung saan nagti-training para sa quadrennial sportsfest na inusog ng pandemic sa darating na July 23-August 8 sa Japan. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.