Una sa Balita

Ravena, TNT gustong katayin ang San Miguel

By
0 787

Laro sa Linggo: (Philippine Arena)
4 pm – Leo Awards
Opening Ceremonies
6 pm – Ginebra vs. TNT

MARKADO ng lahat ang San Miguel Beer sa Philippine Cup na magbubukas ng 44th season ng PBA sa Jan. 13 sa Philippine Arena.

Pero nagkaisa ang coaches na magandang motibasyon ito sa kani-kanilang teams.

Sina Pido Jarencio ng NorthPort, Chito Victolero ng Magnolia at Johnedel Cardel ng Columbian Dyip ang coaches na hindi nakadalo sa first-ever Media Day ng PBA sa The Tent ng Solaire kahapon.

“Very tough ang task, pero at the same time eh very welcome din,” wika ni TNT KaTropa coach Bong Ravena. “Kung maaari nga, hindi Ginebra kundi San Miguel agad kalaban namin, para we’d know how we stack up against them and then we can find out this early kung ano mga need pa namin, adjustments na kaila­ngang gawin.”

Bawat team ay ito raw ang challenge, ayon kay Norman Black ng Meralco.

“But each game is going to be different and you never know,” ani Black. “The most important thing is we have to defend them.”

Si Bong Ramos, siguradong ibibigay ng kanyang Blackwater ang lahat bawat laro. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy