Una sa Balita

Ravena sumawsaw sa isyu ng NCAA foreign athlete pakialamera!

By
0 1,887

HABANG tinatapos ang 18-month suspension na ipinataw sa kanya ng FIBA makaraang magpositibo sa tatlong banned substance sa listahan ng World Anti-Doping Agency (WADA) sa isinagawang random drug testing nitong Pebrero sa window 2 ng FIBA Asia qualifier sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Japan, pokus muna ang PBA super rookie mula NLEX na si Kiefer Ravena sa iba’t ibang bagay.

Isa sa nakakuha ng atensiyon ng 24-anyos na basketbolista mula Ateneo Blue Eagles ang isyu ngayon sa NCAA na magbabawal sa mga fo­reign student/athlete na lumahok sa darating na Season 96 ng liga.

Sa tila pangingialam, i-retweet ni Ravena ang post ng isang fan na nagkukumpara sa mga foreign student athlete at mga Pinoy player.

“All foreign ­players banned from NCAA starting form season 96 yet we get so proud and hyped up when ‘Filipinos’ do good in foreign league,” tweet post ni @tinotapos.

Sinabi naman ni Twitter user @vinwashere na mas mabibigyang-oportunidad ang local ballers kung hindi papayagang maglaro ang foreigners sa NCAA.

Sumagot naman si Ravena sa point of view ni @vinwashere.

“Great point. But what if our local bigs took it as a challenge instead of an excuse to them not being able to play? Just from a competitor’s pov,” reply ni Ravena.

Dalawang taon na ang nakakalipas nang sumubok ng ­basketball sa US ang former Ateneo star.

Matagumpay namang nag-iwan ng marka si Ra­vena nang mapabilang siya sa Texas Legend bilang developmental player.
Aniya, mas gugustuhin niyang makakompetensya ang foreigners kaysa Pinoy ballers.

“Competing with imports is the best way to develop our local bigs. Playing against bigger and tougher opponents,” paliwanag ni Rave­na, suspendido ng 18 months ng FIBA sa lahat ng basketball-related activities dahil sa pagposi­tibo sa tatlong banned substance sa listahan ng WADA sa isinagawang random drug testing nitong Pebrero sa window 2 ng FIBA Asia qualifier.