Una sa Balita

Ravena reresbakan si Jalalon sa game 3

By
0 3,631

Game 3 ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
7:00 pm — NLEX vs Magnolia

HINDI nakaporma ang koponan si coach Yeng Guiao at ang kanyang NLEX sa Magnolia Pambansang Manok sa Game 2 ng PBA Philippine Cup best-of-7 semifinals Lunes ng gabi sa MOA Arena, Pasay City.

Pati si super roo­kie Kiefer Ravena na ­‘inasawa’ buong gabi ni Jiovani Jalalon.

Gulantang si Ravena sa pinakitang pagdepensa sa kaniya ni Jalalon kaya talagang nahirapan siyang makapagdeliber sa opensa.

“The battles we played internationally and the practices we had together, meron at meron ka talagang matututunan kung paano ‘yung tendencies ng isang tao,” komento ni Ravena.

“Siguro inako niya na gusto niya akong depensahan kasi nga kilala niya ako,” hirit ng Road Warriors combo guard.
Tumapos lamang ng 9 points sa Game 2 si Ravena kaya walang ibang nasa kukote kundi makabawi mamayang alas-7:00 ng gabi sa Big Dome ulit para sa pagpapatuloy ng 43rd ­season-opening confe­rence ng pro league.

Inaasahan na niya at ni Guiao na mas magiging agresibo ang kanilang kaharap matapos makuha ng NLEX ang Game 1 (88-87) noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum, ­Quezon City.

Kaya naman tala­gang naghanda ang Hotshots para sa sumunod na labanan.

“I still feel good about our series,” saad ni Guiao. “I expect it to be a long one. We need to regain our defensive intensity the kind we displayed in Game 1.

“We had an off night offensively partly due to their defense but also because we were due for an off night. In a way it’s good because it releases some of the pressure. I expect us to be recharged in Game 3,” panapos niya. ­(Christian Cortez)