Una sa Balita

Ravena pinatulan ang mga basher

By
0 1,195

Wala akong pakialam sa inyo.

Tila ganito ang nais iparating ni Kiefer Ravena sa kanyang mga ha­ter at kritiko sa gitna ng 18-month suspension niya sa lahat ng FIBA-sanctioned tournament kabilang na ang PBA dahil sa pagpositibo sa tatlong banned substance sa isinagawang FIBA random drug test nitong Pebrero.

“Well I just block them. Most of them don’t really understand what happened, most of them don’t understand what came out of my test,” litanya ng 24-anyos na dating King Eagle.

Paliwanag pa ng super rookie ng NLEX, hindi na lang niya pinapansin ang mga namba-bash sa kanya at nakapokus na lamang sa pagiging advocate sa pagpapalaganap ng kaalaman kaugnay sa mga banned substance na maaaring mainom din ng ibang atletang gaya niya.

“The ratio of people hating or criticizing me are way less than the people that are supporting me. Du’n na lang ako magfo-focus,” banat pa nito.

Sa mga social networking site ­tulad ng Facebook at Twitter, mara­ming sumusuporta sa manlalaro sa kanyang ‘honest mistake’ sa pag-inom ng Dust na pinagmulan ng banned substance na nakita sa kanyang FIBA drug test, pero marami rin ang ­‘tumitira’ sa player.