Una sa Balita

Ravena, Kouame gagarote

0 302

D-League Game 1 Finals:

Finals Game 1 ngayon:
(FilOil Flying V Centre/San Juan)
Best-of-five series
4:00pm — Cignal-Ateneo vs. CEU

MAGBABAKBAKAN na para sa titulo ng 2019 PBA Developmental League ang Cignal-Ateneo at Centro Escolar University Huwebes, 4pm sa The Arena sa San Juan City.

Kakapitan ng UAAP Season 81 defending champions Blue Eagles ang kanilang core sa pangunguna ni Thirdy Ravena katuwang ang Ivorian big man na si Ange Kouame.

Makakatuwang ng mga alipores ni coach Tab Baldwin sina Matt at Mike Nieto, Isaac Go at Tyler Tio.

Susubukan naman ng Scorpions na ipagpatuloy ang kanilang ‘Cinderella run’ bitbit lamang ang 7-man rotation sa Finals.

Muling hihingi ng himala si coach Derrick Pumaren sa kanyang undermanned roster sa pangunguna ni Senegalese big man Maodo Malick Diouf.

Aasahan din ng tropa ang natitira nitong gwardiya na sina Franz Diaz at Kurt Sunga at ilan nitong natitirang matatangkad gaya nina Dave Bernabe, Jerome Santos at Joshua Abastillas.

“We’re gonna be underdogs against Ateneo. We know Ateneo is a solid team and we’re playing the number one team in the land right now,” sabi ni Pumaren.

“It goes to show you that outside UAAP and NCAA we are probably one of the best basketball prog­ram sa land ngayon.” (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy