Una sa Balita

Ravena, Ateneo ratsada sa 3-0

0 297

PINATAOB nina Thirdy Ravena at defending champions Ateneo de Manila University (ADMU) Blue Eagles ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers, 71-70, sa unang laro ng UAAP Season 82 men’s baskteball tournament Miyerkoles sa Smart Araneta Coliseum.

Tulad ng inaasahan, pabida si Thirdy Ravena na kumulekta ng double-double 17 points at 10 rebounds, may kasahog tigalawang assists at steals.

Alalay si Ange Kouame na may 11 puntos, 10 rebounds, tig-isang assist at steal para sa three-peat seeking Ateneo, na may malinis na 3-0 baraha.

Nalusaw ang 13 puntos na abante ng Ateneo sa second canto nang mag-rally ang UST para dumikit ng apat na puntos, 33-37, sa pagtatapos ng unang hati ng laban.

Samantala, sampa sa win column sina Justine Baltazar at De La Salle University Green Archers matapos tambakan ang National University Bulldogs 83-82, sa second game.

Pinamunuan ni Baltazar ang koponan na may 23 puntos, 10 rebounds, tig-dalawang assists at blocks katulong sina Jamie Orme-Malonzo na nagtala ng 14 puntos, 11 rebounds, isang assist, steal, block at Aljun Melecio na umiskor ng 10 puntos, apat na assists at tig-isang rebound at steal.

Bagamat nakalamang sa ilang quarters ang La Salle, dikdikan ang naging tapatan ng dalawang koponan sa huling yugto, sinalba ni Kurt Lojera via jump shot ang panig ng Green Archers para makuha ang panalo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy