Una sa Balita

Ravena, Abueva ayos kay Blatche

By
0 1,374

Hindi lang excited si Andray Blatche na makalaro muli sina Kiefer Ravena at Calvin Abueva.

Super-excited pa ang naturalized player.

Lunes ng gabi, sa unang pagkakataon ay kasama na ng Gilas Pilipinas si Blatche sa closed door practice sa Meralco Gym, Pasig City.

Pinaghahandaan ng Nationals ang window 2 ng 2019 FIBA Cup Asian Qualifiers, unang darayo ng Margaret Court Arena sa Melbourne para harapin ang Australia Boomers sa Feb. 22.

Sa Feb. 25, Japan naman ang ihu-host ng Gilas sa MOA Arena, QC. Tinalo ng Filipinos ang Japanese 77-71 sa Tokyo noong Nov. 24, sunod na itinumba ang Chinese Taipei 90-83 makalipas ang dalawang araw.

Pareho ding tinalo ng Boomers ang Japan at Chinese Taipei.

Sumali si Blatche sa shooting drills, ginamay ang bola.

Hindi na raw siya makapaghintay na maglaro muli kasama ng Gilas teammates.

“It’s good to watch Calvin (Abueva) and Kiefer (Ravena) come by and play again,” aniya. “I’m super excited, I can’t wait.”

Nasa praktis din sina June Mar Fajardo, Japeth Aguilar, Jayson Castro, Gabe Norwood, Jio Jalalon, Matthew Wright, RR Pogoy, Carl Bryan Cruz at Kevin Alas. Wala sina Mac Belo, Allein Maliksi at Troy Rosario.(Vladi Eduarte)