Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

RAV4 driver aksidente iginiit sa kontra affidavit

0 60

Humarap sa Mandaluyong Hall of Justice ang SUV driver na si Jose Antonio Sanvicente para isumite ang kanyang counter affidavit sa reklamong inihain ng Mandaluyong City Police kaugnay sa pag-hit and run niya sa guwardiya na nagmamando ng trapiko noong Hunyo 5.

Tugon ito ni Sanvicente sa mga kasong frustrated murder at abandonment charges na isinampa sa kanya ng pulisya sa piskalya ng lungsod dahil sa pag-araro sa guwardiyang si Joseph Christian Floralde habang nagmamando ito ng trapiko sa Julia Vargas St. at St. Francis Ave., sa Brgy. Wack-wack, Mandaluyong City.

Una nang iginigiit ng ina ng suspek sa harap ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., at sa kanyang sinumpaang salaysay na aksidente ang nangyari kay Floralde na kinumpirma rin ng kanyang abogadong si Atty. Danny Macalino.

Samantala masama naman umano ang pakiramdam ni Floralde kaya hindi ito nakadalo. Iginiit rin ni Macalino na wala siyang nalalaman sa mga ulat na may areglong namamagitan sa kampo nina Sanvicente at Floralde. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.