Una sa Balita

Ratsada ni James pinigil ng COVID

0 344

DISMAYADO si LeBron James na nawala ang momentum niya ang biglang suspendihin ng NBA ang nalalabi pang season sa kaagahan ng buwan matapos mag-positive sa coronavirus si Rudy Gobert ng Utah Jazz.

Balik ang porma ni James matapos ang unang season sa Los Angeles na nauwi sa pagliban sa playoffs. Nang suspendihin ang NBA noong March 11, naga-average si James ng 25.7 points, 10.6 assists at 7.9 rebounds per game.

Kaya ang Lakers, panigurado ang balik sa playoffs at inuupuan pa ang top seeding sa Western Conference sa 49-14 record.

Kondisyon na ang katawan, bumabalik ang ritmo at kahit 35 na si James ay nasasama pa rin ang pangalan sa MVP contenders dahil sa mga numerong isinusumite bawat gabi.

Bigla raw natigil.

“My body was like, ‘Hey, man, what the hell is going on? It’s March 13, you’re getting ready for the playoffs, why are you shutting down right now?’” pahayag ni LeBron sa Road Trippin’ Podcast.

“And I was there turning the corner, like, I felt like I was rounding third base, getting ready for the postseason. So the rest factor, I think it’s a little bit … Especially when you’re in the full swing of things.”

Nagpe-peak na raw siya, biglang preno. Pagbalik, kailangan na naman niyang magpakondisyon.

Kung sakaling ituloy ang season, problema ng players – kahit ni LeBron – kung paano muling makukuha ang full speed. (VE)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More