Una sa Balita

Ratsada ng Lyceum, pinutol ni Bulanadi

0 328

Mga laro bukas: (FilOil Flying V)
2:00pm — CSB vs San Beda U
4:00pm — San Sebastian vs Mapua

NANGALABAW si Allyn Bulanadi ng 28 points upang akbayan ang San Sebastian Stags sa 73-71 panalo laban sa last year’s runner up Lyceum of the Philippines Pirates sa NCAA season 95 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nakatuwang ni Bulanadi sa opensa si RK Ilagan at Alvin Capobres kaya naman kinalsuhan ng Stags ang six-game winning streak ng Intramuros-based squad Pirates.

Tumipa si Ilagan ng 11 puntos habang siyam ang inambag ni Capobres para sa San Sebastian na may 9-6 karta.

First quarter pa lang ay naghabol na ang Stags, 11-26, pero naibaba nila sa 10 ang bentahe ng Pirates, 33-43, sa halftime.

Dumikit ang San Sebastian sa third nang magsimulang uminit ang opensa nina Bulanadi, Ilagan at Capobres, natapyasan sa tatlo ang bentahe ng Lyceum, 50-53, papasok ng fourth period.

Sa unang salpukan, umarangkada si Yankie Haruna upang akayin ang College of Saint Benilde (CSB) Blazers sa 62-56 panalo kontra Emilio Aguinaldo College (EAC) Generals.

Balikatan sa unang dalawang period kung saan naghabol pa ng isang puntos ang taft-based squad Blazers, 31-32, sa halftime.

Subalit pagsapit ng third canto ay pumabor sa CSB ang bola kaya naagaw nila ang bentahe, 52-44, papasok ng fourth quarter sa tulong nina Haruna at Justin Gutang.

Sa huling laro, kinarga ni Rey Peralta ang Perpetual Altas matapos talunin ang JRU Heavy Bombers sa iskor na 66-77.

Bumomba ng career-high 25 points at 9 rebounds si Rey Peralta upang ibigay ang ikalawang sunod na panalo ng Perpetual tungo sa 5-10 panalo-talo kartada. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy