Una sa Balita

Ratratang rebelde, sundalo: 4 timbuwang

By
0 2

Apat ang nasawi at isa pang sundalo ang sugatan sa patuloy na pakikipag bakbakan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Sitio Pongpong, Brgy. Andap, New Bataan, Compostela Valley Province.

Sa ulat na ipinarating sa Camp Aguinaldo ni Capt. Alex Cabales, Civil Military Operations Battalion ng 10th ID PA, sa apat na nasawi, dalawa rito ay sa panig ng militar habang dalawa sa hanay ng rebelde na nasa ilalim ng Guerrilla Front-25 Southern Mindanao Region.

Ginagamot naman sa Camp Panacan hospital ang isang sundalo na sugatan sa bakbakan.

Abante Hiring – IT dep

Ang dalawang nasawing sundalo at isang sugatan ay hindi pa pinangalanan.

Sinabi ni Cabales, tumagal ng 45-minuto ang sagupaan bago umatras ang rebeldeng NPA.

Narekober ng militar sa lugar ng pinangyarihan ang isang AK-47 na pinaniniwalaang pagmamay-ari ng mga rebelde.

Patuloy pa ang clearing operation ng militar matapos ang engkuwentro sa pagitan ng 66th Infantry Battalion Philip­pine Army at NPA.