Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ratliffe, Korea bumawi

0 44

AGAD nakabalikwas ang Korea mula sa natamong masaklap na kabiguan sa Gilas Pilipinas sa pagbaling nito sa pagpapalasap ng kabiguan sa nakatapat Huwebes na Indonesia, 104-81, sa AUF Gym sa Angeles City.

Ang panalo ay nagkuwalipika sa Korea para okupahan ang isang silya sa 2021 Fiba Asia Cup at bahagyang alisin ang pait na iniwan ng kabiguan nito sa unang laro sa karibal na Pilipinas Miyerklles ng gabi, 78-81.

Pinamunuan ni Ra Gun-A, ang naturalized player na mas kilala bilang si Ricardo Ratliffe, ang trabaho sa Koreans na maagang umalagwa sa labanan sa pagtatala ng 23 puntos, pitong rebounds, tatlong assists at isang steal.

Naitala ng Koreans ang kabuuang 3-1 panalo-talong kartada sa likod ng Gilas Pilipinas na may 4-0 record. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.