Una sa Balita

Rated K bagsak sa rating Away Kris-James ginamit ni Korina

By
0 10,092

Ilang araw na ang nakalipas pero tuloy-tuloy pa rin ang bangayan ng kampo nina Kris Aquino at Korina Sanchez-Ro­xas kaugnay sa pana­yam ng huli sa kanyang TV show kay James Yap.

Lumabas kasi ang panayam kay James sa TV show ni Korina kung kailan binabakbakan ni Kris ang kanyang ex-husband.
Sumawsaw na rin sa isyu ang mga tagahanga ni Kris na masugid ang pagdepensa sa kanilang idolo at matitindi ang komento katulad ng isa na nagsabing bagsak na diumano ang rating ng Rated K program ni Korina sa ABS-CBN kung kaya’t ginamit nito si James para umangat sa rating ang kanyang TV show.

“Madami naman pwede features, c JY pa tlaga halata namang nananadya c KS beside bagsak na kc rating ng show ni KS…hay nku alam naman ng buong mundo masama ugali ni KS nyan kaya nga di nanalo c Mar!” komento ng netizen na si margiebales.

Sa post ni Lolit Solis sa Instagram tungkol sa bangayan nina Kris at Korina ay todo balitaktakan din ang kampo ng dalawa.

“Ms Lolit sana hwag kalimutan na ang na­ging reaksyon ni Kris ay dahil sa pagiging insensitive at walang delikadeza ni Korina. Sa daming pangit na bina­bato ng mga reporters at radio announcers kay Kris hindi sya sumagot sabi nyo rin yan sa previous post mo. At ngayon si Korina may class daw. Mataray yan kaya lang alam niya na mapapahiya pa sya pag sumagot sya”.

“Di pumatol si Korina baka kasi alam nyang mali sya?” sabi ng netizen na may user name na settronyas.

Dinikdik naman ng ibang tagahanga ni Kris si Korina sa pagsasabing nananadya ito sa kanyang ginawang paglalabas ng panayam kay James habang nagnga­ngalit si Kris sa klase ng pagiging ama ng ex-husband sa kanilang anak na si Bimby.

“Kaya hindi nagsasalita si koring kasi baka tsinelasin siya ni Kris ang daming ifi-feature niya na first time dad bakit si James pa eh kalagitnaan ang issue about sa kanila ni James about sa hindi nagsusustento parang sinabi mabuting ama si James dun na para ka­sing nananadya si ko­ring,” pahayag naman ng netizen na si araneta_amber.

“Kris onoy wanted to have the JY feature be delayed/rescheduled until the issue cools down. But KS thought otherwise. As Kris said, KS has the control over the show being her as the producer as well. Kaya she thought it was SADYA. Siguro ang ayaw lang ni kris ay “magpakashowbis” si JY. Sabi nga eh WALK THE TALK…and JY only has flowery words for their son,” post ni marisept18.

Sa bangayan ng magkabilang kampo ay mas nakalalamang ang mga suporta kay Kris dahil sa mga Instagram follower pa lang ay nasa 3.5 milyon ang kay Kris samantalang 252,000 lang ang mga follower ni Korina.

Sa isang survey ng AGB Nielsen, namamayagpag bilang most-watched GMA program nationwide ang award-winning news magazine show na Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS).

Talo ang controversial episode ng Rated K tungkol kay James na nakakuha lang ng 19.3 habang ang KMJS ay may 21.0 at third most watched TV show noong nakaraang Linggo, ayon naman sa Kantar Media.