Una sa Balita

Raptors malungkot sa injury ni Durant

0 261

PANALO ang Golden State sa Game 5 ng NBA Finals, pero talo pa rin ang Warriors.

Ang Toronto, natalo sa iskor pero higit pa doon ang nararamdaman ng Raptors.

Pagkatapos ng 48-minuto ng pukpukan, malinaw sa scoreboard: Golden State 106, Toronto 105.

Nakaiwas sa elimination ang Warriors, dinikit ang series 3-2 at binalik sa Oracle Arena para sa Game 6. Pero nagbayad ang two-time defending champions – inabot ng Achilles injury si Kevin Durant, mas malamang ay tapos na ang season.

Makukumpirma ng Warriors kung gaano kalala ang injury ng reigning two-time Finals MVP paglabas ng resulta ng MRI.

“It’s devastating,” bulalas ni Toronto forward Kawhi Leonard. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy