Una sa Balita

Rappler cyber tokhang ang galawan sa Facebook

0 884

Kinuyog ng mga kilalang personalidad sa media industry ang ginawang pagsita ng Rappler sa istorya ng ‘Politiko’ hinggil sa naging pahayag ni Vice-President Leni Robredo sa nationwide river dredging.

Tinawag kasi ng Rappler, bilang accredited FB fact checker, na ‘false’ o fake ang istoryang lumabas sa politics.com.ph noong Enero 6, 2019 na kontra umano si Robredo sa dredging project, gayung malinaw sa headline na ‘wary’ ang bise-presidente sa proyekto.

Ayon sa beteranong reporter ng Inquirer na si Dax Lucas, mali ang ginawang pagsita ng Rappler dahil bilang kakompetensiya ng Politiko ay nababahiran ito ng ‘conflict of interest’ na kung hindi mapipigilan ay magreresulta sa ‘dangerous precedent’.

Sa mahabang post ni Lucas sa Facebook nitong Lunes, Pebrero 11, binanggit nito na hindi porke’t itinanggi ang balita ay maitutu­ring na itong fake o false news.

Ginawa nitong basehan ang scoop hinggil sa pagbili ng Kirin Brewery ng Japan sa 49% ng San Miguel Corporation. Pareho itong itinanggi ng dalawang kompanya pero makalipas ang ilang linggo ay inanunsyo din ang multi-billion dollar deal.

Inungkat din ni Lucas ang ginawang pagtanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang scoop na may nilulutong joint oil exploration agreement ang China at Pi­lipinas. Makalipas ang isang taon, nakumpirma din ito sa state visit ni Xi Jinping noong 2018.

“These two preceding examples are not the kind of disinformation the FB-Rappler partnership was envisioned to combat. I’d ima­gine that the Politiko article at the root of the current dispute is not the kind of ‘fake news’ the fact-checkin­g scheme was meant to fight, either,” paliwanag ni Lucas.

“My point: Disputes over news articles happen all the time. Sources, when caught in a bind for whatever reason, have always been ready to deny stories they helped shape. Using their assertions as basis for fact checking, as Rappler did with Politiko, is INCOMPLETE and FLAWED,” diin pa ni Lucas.

Kinuwestiyon din ni Lucas kung sino ang sisita sa maling istorya ng Rappler kung sila ang itinalagang fact checker.

Sa ngayon, walang proseso sa pag-apela dahil ang fact checker na ang jury, judge at executioner.

Kinatigan naman ng mga batikang peryodista ang pananaw ni Lucas tulad ni Herman Laurel, habang si Inday Espina-Varona, nagtataka kung bakit bahagi ng monitoring ng Rappler ang lehitimong news outfit.

Binanggit naman ng isang journalist na gusto lamang nilang iwasang dumating sa punto na ang fact-checking ay ginagawang sandata dahil sa ilang ‘misguided concept of fake news.’ Dapat aniyang magkaroon ng reorientation sa binigyan ng trabahong ito.

Kilala ang Rappler na siyang naglabas ng datos sa extrajudicial killings pero itinanggi ito ng administrasyong Duterte kung saan sinita pa nila kung saan kumuha ng detalye ang nasabing online news organization.

Ang Politiko_Ph ay sister company ng nangungunang tabloid na Abante.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy