Una sa Balita

Rapist ng estudyante sa Romblon arestado

By
0 1,999

Isang 26-anyos na lalaki sa Odiongan sa Romblon ang inaresto matapos ireklamo ng panghahalay ng isang 17-taong gulang na estu­dyante nitong madaling-araw ng Lunes, April 09.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alvin Mansalay Fere-ira.

Ayon sa biktima na itinago sa pangalang ‘Nene’, alas-dos ng madaling-araw kahapon nang magising siyang may lalaki ng nakapatong sa kanya.

Nakatakas ang biktima matapos diumanong ma­gising ang isa sa kanyang pinsan na nasa tabing kwarto ngunit nakatakas ang lalaki.

Nang arestuhin ay itinanggi ni Fere-ira ang alegasyon.

Ayon naman kay SPO1 Chesyl Garcia, imbestigador ng Odiongan Municipal Police Station, mahaharap ang suspek sa kasong rape na may kinalaman sa Republic Act 7610.

Nakuha rin sa suspek ang kitchen knife na diumano’y ginamit ng suspek.