Una sa Balita

Rapist nasuhulan ng cell phone at pera

By
0 9

Bumagsak sa operatiba ng Balagtas police ang isang tricycle driver na nangre-rape ng kanyang natitipuhang pasaherong estudyante sa Barangay Pulong-Gubat, Balagtas, Bulacan kamakalawa.

Pinakahuling naging biktima nito ang isang 17-anyos na estudyante na nakaligtas sa rape makaraang suhulan ng dalagita ng pera at cell phone ang suspek.

Kinilala ni P/Chief Inspector Restituto E. Granil, Balagtas police chief ang nadakip na suspek na si Gilbert Devora y Marquez, 19, may-asawa at nakatira sa Block 10 Lot 2, Northville 6A, Brgy. Pulong Gubat, Balagtas habang itinago naman sa pangalang Alma ang biktima na residente sa nasabing bayan.

Base sa report, bandang alas-7:30 ng gabi habang sakay ng tricycle ay biglang idinaan ng suspek sa madiki man lugar ang dalagita sa NIA Road, Sitio Galas.

Dito na sinimulang molestiyahin ng driver ang biktima ngunit nakiusap at nagmakaawa ang estudyante na ibibigay ang kanyang perang P300 at cell phone na Samsung J7 na nagkakahalaga ng P15,000 huwag lang siyang reypin. Pumayag naman ang suspek at pinabayaan na lamang makaalis ang biktima.

Sa followup operatio nay nasakote ang suspek .