Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rapist na sinuot short ng biktima, tiklo

0 476

Kulungan ang bagsak ng 46-anyos na lalaki nang mahuli sa aktong suot ang shorts ng ginahasa nito sa Barangay Sunog, San Francisco, Camotes, Cebu.

Walang lusot ang suspek na si Roldan Luchavez, matapos ireklamo ng 49-anyos na babaeng biktima. Pumasok umano ang lasing na suspek sa kanyang bahay Miyerkules ng gabi at doon sapilitan siyang hinubaran at sinagawa ang panghahalay.

Ayon kay PMaj. Alfredo Kuhay Jr., hepe ng San Francisco Police Station, wala nang kawala pa ang suspek dahil sa suot niyang shorts na pag-aari ng biktima na posibleng nagmamadali matapos mairaos ang kamunduhan sa biktima kaya short ng biktima ang naisuot.

Nabatid na matagal nang may pagnanasa ang suspek sa biktima na posibleng nakagawa ng paraan matapos ang paglalasing. Kasalukuyang nakakulong si Luchavez at nahaharap sa kasong rape. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.