Una sa Balita

Rapist na basurero namukhaan ng biktima, arestado

0 322

SWAK sa kulungan ang 49-anyos na basurero na dumayo sa Valenzuela at binastos ang isang dalaga na tiyempong kapatid umano ng dalagitang hinalay nito.

Patong-patong na kasong Act of Lasciviousness in Relation to RA 7610 child abuse law at rape si Rodelio Dela Peña, alyas ‘Pitok’, 49, re­sidente ng Esteban St., Polong Yantok, Angat, Bulacan.

Nag-ugat ang pagkakahuli sa suspek nang bastusin nito sa pamamagitan ng mahahalay na salita ang 22-anyos na sales lady na taga-Brgy. Viente Reales, Valenzuela City, kamakalawa ng alas-siyete nang gabi.

Sa galit ng sales lady, humingi ito ng tulong sa kanyang mga kaibigan na kaagad namang tumawag ng mga barangay tanod at dinala sa barangay hall si Dela Peña.

Nang personal na magkaharap ang dalaga at suspek, natandaan ng una ang mukha ng huli na siyang nanghalay sa kanyang kapatid noong Hunyo 13.

Matapos makumpirma na si Dela Peña nga ang suspek, binitbit ito ng mga tanod at dinala sa Women and Children Concerned Desk ng Valenzuela City Police Station.

Nabatid na sa nasabing barangay namumulot ng basura si Dela Peña at nang matiyempuhan nito ang dalagita na walang kasama doon na niya ito ginahasa. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy