Una sa Balita

Rapid test kit hinarang ng FDA

0 814

Hindi umano aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) ang anumang rapid testing kits para sa coronavirus disease.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, wala umanong malinaw na ebidensiya na sila ay reliable na gamitin.

Sinabi ni Domingo na ang COVID-19 testing kits base sa real time polymerase chain reaction o RT-PCR ang inireremomenda nilang gamitin.

Nabatid na may 15 imported COVID-19 test kits ang inaprubahan ng FDA na gamitin.

Kasabay nito, nagbabala si Domingo sa mga suppler na nagbebenta at nagpapamahagi ng point-of-care o rapid COVID-19 test kits.

“Businessmen should not import these products before they are certified by the FDA,”ayon kay Domingo.

Sa kabila na sinasabi ng health authorities na epektibo ang RT-PCR analysis, sinasabi naman ng iba na hindi ito sapat na pantugon sa isang sitwasyon na mau outbreak.

Una nang sinuportahan ng masa, ang mass testing parrikular na ang mga senadot at matataas na opisyal ng pamahalaan bagama’t tinutulan ito ng DOH dahil hindi pa umano kailangan.

Sa ilalim ng umiiral na guidelines inisyu ng DOH , tanging ang may mga malalang sintomas ng COVID19 ang isasailalim ng test.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na maari lamang nilang palitan ang umiital na protocol at isailalim na rin sa test ang mga may mild symptoms kung makakakuha na ng mas maraming testing kits ang gobyerno at mapapalawak ang mga testing centers.(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More