Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ranidel, Jeff malalim samahan

0 459

NAGING matalik na magkaibigan sina Jeff Chan ng Barangay Ginebra at ang kamakailan lamang nagretiro na si Ranidel De Ocampo.

Hindi makakalimutan ng beteranong Barangay Ginebra guard ang pakikipagkaibigan nito sa ngayon ay retirado nang si Ranidel habang kapwa suot ang uniporme ng Gilas Pilipinas.

“Hindi ko naisip na magiging close ako kay Ranidel. Hindi ko pala alam ‘yung ugali niya kasi nung latter part, kami ‘yung halos magka-roomate na, so doon ko siya nakilala,” sabi ni Chan ukol sa dating TNT at Meralco big man na nagretiro dalawang buwan na ang nakalipas sa edad na 38.

“Sabi ko, ganito pala siya. Sa court lang pala siya naninira, mga simpleng panira,” sabi ni Chan na nakangiti.

“Maayos pala (siya). Mabait pala,” sabi pa nito sa dating kakampi na nakilala sa matinding depensa sa loob ng court hindi din aatras sa kahit anong away.

Ang dalawa ay nagkasama sa Gilas na sumabak sa Jones Cup noong 2012, pumangalawa sa 2013 FIBA Asia Men’s Championship, at sa 2014 FIBA World Cup na nagtulak sa bansa makabalik sa tinataguriang Olympics ng basketball matapos ang hindi pagkuwalipika sa loob ng 36 taon. (Lito Oredo)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.