Una sa Balita

Randy itsapuwera sa reunion nina Willie, John E

By
0 2,073

Mamaya ang taping ng Wowowin sa KIA Theater para sa grand finals ng Wil To Win segment ng show kung saan ay magpapakitang gilas ng iba’t ibang talent ang grand finalists.

Magsisilbing reunion din sa telebisyon ‘yon ng magkaibigang Willie Revillame­ at John Estrada dahil isa ang huli sa mga magdya-judge mamaya sa nasabing segment.

Kung matatandaan, nagkasama noon sa noontime show na MTB (Magandang Tanghali Bayan) ng ABS-CBN sina Willie at John (kasama nila si Randy Santiago), nagkaroon pa nga ‘yon ng movie version.

Kilalang close friends sina Willie at John, kaya tiyak na magiging masaya ang pagsasama nila mamaya sa taping ng Wowowin.

Ngayon kayang pareho na silang nasa GMA 7, isama na rin kaya ni Willie sa Wowowin si John?

Kung matatandaan, bago nag-La Luna Sangre si Randy, ginawa rin siyang direktor ni Willie sa Wowowin. Eh, tapos na ang fantaseryeng ‘yon ng Kapamilya network, maganda siguro kung magsasama-sama sina Willie, John at Randy sa Wowowin.

Puwede, ano sa tingin niyo?

Vina malabong makipagbalikan kay Keempee

After ng presscon ng Araw Gabi ng ABS-CBN na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial, nakatsikahan ng ilang entertainment press si Vina Morales at natanong siya tungkol sa kanyang love life.

Wala raw siyang boyfriend ngayon at buti nga raw dahil busy rin naman siya sa taping ng Araw Gabi.

Inusisa ko si Vina tungkol sa biruan, nang magkaroon sila ng reunion ng mga dating kasamahan That’s Entertainment. That time kasi, binibiro silang dalawa ni Keempe de Leon, kaya marami ang nag-akala na magkakabalikan sila, pero ang tsika, parang may romanic something ngayon ang dati niyang boyfriend sa kaibigan niyang si Donita Rose?

“Talaga? ‘Yung sa amin naman ni Keempee, biruan lang. Ganoon naman sa reunion namin, nagbibiruan kasi may something nga before. Pero wala naman ‘yon.

“‘Yung kina Keempee at Donita naman, wala akong alam. ‘Katuwa naman kung totoo. Barkada ko naman kasi si Donita at friends kami ni Keempee,” sabi pa ni Vina.

Sa ngayon daw, ilang mga kaibigan niya ang may inirereto sa kanya, pero wala naman siyang makitang bagong makakarelasyon.

‘Yung nakaraan niyang relasyon sa isang foreigner, na si Governor Chavit Singson ang nagpakilala sa kanya, ay nauwi rin sa wala at ayaw nang pag-usapan pa ni Vina.