Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rampa abroad muling binawal

0 427

Matapos payagan, muling pinagbawal ng gobyernong Duterte ang nonessential travel ng mga Pilipino sa labas ng bansa.

Matatandaang ngayong Hulyo, inalis na ang ban sa outbound leisure travel basta may sapat na travel at health insurance para sa rebooking at accommodation kapag na-stranded, o kapag kailangan ng pampaospital.

Ito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay dahil isang insurance company lang sa bansa ang pumayag sa ganitong coverage.

“Kaya sinuspinde muna ng IATF ang non-essential outbound travel,” aniya sa isang press briefing.

Exempted naman aniya sa travel ban ang mga biyahero na may kumpirmadong flight booking as of July 20, 2020.

Matatandaang noong Marso, hinarang ng gobyerno ang pagbiyahe ng mga turistang Pinoy abroad dahil sa banta ng COVID-19. (RC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.