Una sa Balita

Ramon Ang, Sy, Razon pinasalamatan ni Duterte

0 490

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte sina Ramon S. Ang, Henry Sy Jr., Enrique Razon at iba pang negosyanteng nagbigay ng donasyon para makatulong sa mga Pilipinong apektado ng coronavirus outbreak sa bansa.

Sa kanyang live televised address nitong Lunes nang gabi, inisa-isa ni Pangulong Duterte ang kompanya, organisasyon, foreign government at pribadong indibiduwal na tumutulong sa gobyerno sa paglaban sa COVID-19.

“On behalf of the Filipino people, I thank you [for your] compassion and your generosity, and my personal gratitude,”ayon sa Pangulo.

Kapansin-pansin naman na kasama rin sa pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang negosyanteng si Manny V. Pangilinan na ilang beses niyang binabanatan sa mga nakaraang buwan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More