Una sa Balita

Ramitere, Judiciary pipigilanang Ombudsman Graftbusters

0 1,070

Mga Laro Ngayon:

(Pasig City Sports Center)
2 p.m. – GSIS vs AFP
3:30 p.m. – Ombudsman vs Judiciary
5 p.m. – DOJ vs
Malacañang-PSC

PATATATAGIN ng mga rumaragasang Ombudsman at Judiciary ang pagsikwat sa ikalawang twice-to-beat advantage sa semis sa kanilang pagtutuos ngayong araw sa 2nd UNTV Cup Executive Face-Off sa Pasig City Sports Center.

Salpukan ang Graftbusters at Magis sa alas-3:30 ng hapon, target ng dalawang koponan ang krusiyal na panalo sa single-round elimination na tungo na sa huling dalawang playdate.

Kapwa may 4-1 baraha ang Ombudsman at Judiciary. Ga­ling ang Magis sa 108-50 thumping kontra GSIS Furies noong isang linggo, salamat sa 30-point performance ni Pampanga MTC Judge Wendell Ramitere.

Ang Graftbusters, maglalaro na may fresh legs kasunod ng two-week break sa event na inorganisa ng UNTV president and CEO na si Daniel Razon.

Bukod kay Rami­tere, inaasahang magdedeliber din sa Magis sina Jose Midas Marquez, Joey Yabut at Gerard Tomacruz.

Sigurado na ang pahingang Philippine National Police sa isang semis spot kasunod ng kanilang six-game winning run.

Samantala, target ng Malacañang-Philippine Sports Commission ang ikatlong dikit na panalo laban sa sibak nang Department of Justice.

Tangan ang 2-3 card, dapat manaig ng Sec. Bong Go-led Kamao sa huling dala­wang asignatura nila para makasilat ng playoff para sa huling semis berth sa tournament na mayroong P1 million champion’s purse.

Naga-average si Go ng 45.5 points sa kaniyang huling dalawang laro.

Salpukan sa first game sa alas-dos ng hapon ang deposed champion Armed For­ces of the Philippines at GSIS.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy