Una sa Balita

Ramirez, PSC tumanggap ng P842.5M mula sa PAGCOR

0 257

NADAGDAGAN ang pondong magagamit ng Pilipinas para sa pagsasaayos at pagpapaganda sa gagamiting pasilidad sa pagho-host nito sa kada dalawang taong Southeast Asian Games sa pagbibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Miyerkoles ng P842.5 milyong tulong sa Philippine Sports Commission (PSC).

Pinamunuan nina PAGCOR chairman at CEO Andrea Domingo, kasama sina President at COO Alfredo Lim at director Reynaldo Concordia at Gabriel Claudio ang pagbibigay ng tseke kay PSC chairman William Ramirez at Executive Director Merlita Ibay sa PAGCOR Executive Office sa Manila kahapon.

Ang pondo ay nakatuon sa rehabilitasyon ng mga pasilidad sa bansa na gagamitin sa kada dalawang taon na multi sports na pangrehiyong regio­nal multi-sports event sa pagho-host nito sa ika-30 edisyon ng Southeast Asian Games.

“The aid given to us by PAGCOR is priceless. The rehabilitation of the facilities for the SEA Games is an important contribution to Philippine sports as it will help improve the performance of our athletes and change the picture of local athletics. Napakalaking bagay nito para sa amin,” sabi ni Ramirez. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy