Una sa Balita

Ramirez, PSC bahala sa SEA Games

0 214

INAASAHAN na ang Philippine Sports Commission (PSC) ang magpapatakbo sa ikaapat na hosting ng bansa sa 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 10.

Ito ang ipinaliwanag ng bagong talagang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) na si Jose ‘Joey’ Romasanta sa pakikipagpulong kay PSC chairman at Team Pilipinas chef de mission William ‘Butch’ Ramirez.

“We discussed what are the pro­bable working set-up based on the provision before. We agreed that lahat ng sports and event will be taken cared and to be provided by PSC para maliwanag lang na wala kaming hahawakan na pera out of the P6.8 billion na allotted ng government for hosting the Games,” paliwanag ni Romasanta.

Nakatakda ring pag-usapan ni Romasanta kasama ang bumubuo sa POC Board ang irerekomenda nitong mga deputy chef de mission na makakatulong ni Ramirez upang agad na maisaayos ang pag-aasikasao sa lahat ng mga pangangailangan ng mga national sports association (NSA) para sa pagpapatakbo nito ng kanilang mga laro. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy