Una sa Balita

Ramirez, PSC aayuda sa ASEAN Para Games

0 275

NAKAHANAP ng matibay na kasangga ang Philippine ASEAN Paralympic Games Organizing Committee (PHILAPGOC), makakatuwang nila ang Philippine Sports Commission kung saan nangako si chairman William ‘Butch’ Ramirez na susuporta ang PSC sa 2020 ASEAN Paragames.

Ikakasa ang nasabing event na ang magiging punong abala ay ang Pilipinas sa susunod na taon sa Enero 18-25.

Inaasahang aabot sa 2,500 athletes, coaches at officials sa nasabing twin-event ng Southeast Asian Games na pasisibatin naman sa November 30 hanggang December 11 ngayong taon.

Sinabi ni Ramirezna tutulong ang PSC para pondohan ang nasabing hosting.

“We will support them because, like the SEA Games, this is also a national commitment” hayag ni Ramirez.

“Good governance of sports associations is important, and the PSC will use its supervisory and visitorial rights on these associations to make sure that proper management is in place since public funds are being given to them.”

Pangalawang beses na ng Pilipinas sa pagho-host ng multi-sports games para sa differently-abled athletes.

Noong 2005, naging punong-abala ang Pilipinas sa 3rd edition ng ASEAN Paragames, pagkatapos ng 23rd SEA Games na ginanap ng November. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy